Nung Wednesday eh pumunta kami nila mommy para dun sa isusumbong daw nila kila tulfo, to make the story short nag punta kami sa TV5 umupo ng pagka tagal-tagal, naulanan pa nga kami nun, tas bandang huli ibibigay lang pala sa amin eh isang pirasong papel para sa “Referral” daw. Diko lang alam kung effective ba yun. After nun pumunta na kami sa SM North Edsa para makipag meet sa tita at pinsan ko, ayun habang nag lalakad kami bigla sinabi ni pinsan na “kuya! dito sa muna sa min mag stay kahit few days lang, plssss” eh ako gusto ko ren kasi nakaka bago na dito sa bahay.
Kaya ayun pinilit ko agad si mama at pumayag naman siya, kaso napa bili ako ng undies, tooth brush at kung anu-ano pa. eh dalang damit ko lang nun eh dalawa kaya hirap din ako sa damit kung sakasakali, pero tinuloy ko paren kasi sayang naman kung uuwi na ako agad, Ayun naman it turns out to be the best “BIGLAANG BAKASYON”, kasi kahit sabihin mo na ilang araw lang yung nag sine at lakwatsa nako sa malls nun eh. haha